Kian Dionisio

Ako Na Lang Ulit


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Akala ko kasi kailangan natin 'to
Ang mag-isip-isip habang tayo'y magkalayo
Ngunit di man lang naisip at di naintindihan
Na mas maayos ang lahat kung ikaw ay nariyan

Kaya't ngayo'y nagsisisi sa bawat nasambit
At hiling sa Maykapal sana ikaw ay magbalik
Ngunit mayron na ngang ibang mahal ang puso mo
Ngunit sana ay bigyan ng oras para masabi ko

Baka pwedeng ako na lang ulit
Ako na lang ulit
Pasensya na kung makulit
Pangakong di na mauulit
Ako na lang ulit
Huwag ka na sanang magalit
Dahil lahat ay gagawin upang ang puso mo'y mapilit

Bawat luhang pumatak ay hindi ko ginusto
Kala ko'y makakabuti pa ang aking paglayo
Ngunit hirap gumising sa umagang hindi ka kaharap
At tingnan ang bukas ko na hindi ikaw ang kayakap

Baka pwedeng ako na lang ulit
Ako na lang ulit
Pasensya na kung makulit
Pangakong di na mauulit
Ako na lang ulit
Huwag ka na sanang magalit
Dahil lahat ay gagawin upang ang puso mo'y mapilit

Dahil ikaw lang talaga at wala nang iba
Kaya't sige na baka pwede pa
Ako na lang ulit

Ngunit kung mayroon ka nang ibang mahal
Ay hahayaan na kita na lumigaya sa kanya
Ngunit kung may natitirang pagmamahal
Ay huwag mo sanang pipigilan
Ba't di muling subukan

Baka pwedeng ako na lang ulit
Ako na lang ulit
Pasensya na kung makulit
Pangakong di na mauulit
Ako na lang ulit
Huwag ka na sanang magalit
Dahil lahat ay gagawin upang ang puso mo'y mapilit

Dahil ikaw lang talaga
At wala nang iba
Di ka na mag-iisa
Hindi ka na luluha pa
Kaya't sige na baka pwede pa
Ako na lang ulit
Ako na lang ulit