
Ako'y Hindi Anghel
Ako'y hindi anghel
Wala namang pangarap maging isa
At kung kasalanan ang ibigin ka'y
Buti pang maging makasalanan
Ako'y hindi anghel
Wala namang hangarin maging isa
At kung kasalanan ang ibigin ka'y
Ang sarap maging makasalanan
Ang langit ko'y sa piling mo
Sa init ng iyong dibdib
At kung ganito sa impiyerno'y
Doon ako tutungo
Ako'y hindi anghel
Hindi anghel
Ang langit ko'y sa piling mo
Sa init ng iyong dibdib
At kung ganito sa impiyerno'y
Doon ako tutungo
Ako'y hindi anghel
Hindi anghel