
Ako'y Iyong-Iyo
Kahit san ka man naroroon ngayon
Hinding-hindi kita malilimutan
Mga araw at gabing dumaraan
Laman ka lagi ng aking isipan
Magpakailan pa man
Ang matatamis mong alaala
Ang lagi kong kapiling sa tuwina
Ang kabaitan mo'y langit sa akin sinta
Ang tinig mo'y parang laging kumakanta
Kay gandang musika
Ako'y iyong-iyo
Puso at buhay ko
Sayo kahit tayo'y laging magkalayo
Ako'y iyong-iyo
Sana'y malaman mo
Saan ka man naroroon
Ako'y hindi magbabago
Kay bilis ng araw parang kailan lang
Ikaw ay yakap ko't hinahagkan
Pag-ibig natin ay parang walang hanggan
Kaligayahan na walang katapusan
Walang katapusan
Ako'y iyong-iyo
Puso at buhay ko
Sayo kahit na tayo ay laging magkalayo
Ako'y iyong-iyo
Sana'y malaman mo
Saan ka man naroroon
Ako'y hindi magbabago
Ako'y iyong-iyo
Puso at buhay ko
Sayo kahit na tayo ay laging magkalayo
Ako'y iyong-iyo
Sana'y malaman mo
Saan ka man naroroon
Ako'y hindi magbabago
Asahan mo
Iyong-iyo