
Alaala Ay Ikaw
Malilimutan ko pa ba aking mahal
Ang maligayang araw nating nagdaan
Habang ako'y nag-iisang nalulumbay
Ang alaala ay ikaw
Ang ating suyua'y walang kasing tamis
Sa gunita pala ay ubod ng pait
Ang nagtampong pag-ibig mo'y di ko batid
Kung minsan pa magbabalik
Kaya wala nang nalabi sa dibdib ko
Kung di ang alaala ng pag-ibig mo
Asahan mong hindi ka na mawawala
Dito sa aking gunita
Malilimutan ko pa ba aking mahal
Ang maligayang araw nating nagdaan
Habang ako'y nag-iisang nalulumbay
Ang alaala ay ikaw
Habang ako'y nag-iisang nalulumbay
Ang alaala ay ikaw