Mimo Perez

Alam Kong Kasama Ka

Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Nais kong samahan mo
Ako sa awit na hinabi ng
Panahong ating pinagsamahan

Tulad no'n pag sama-sama
Kahit kay bigat ng dinadala
Nagagawa pa ring kumanta't tumawa

Di natin namalayan
Sa panahong nagdaan
Sa biruan man o tampuhan
Tuloy pa rin at walang iwanan

Mula nang tanggapin natin
Ang bawat isa
Isang bagong lakas ngayo'y
Ating nadarama
Dahil sa isa't isa
Wala na ang kaba
At hamon man ay mag-iba alam kong kasama ka

May ilang nagtataka
Sa'n nagmumula ang ating saya
Katulad din naman tayo ng iba
Ang hindi nila alam (hindi nila alam)
May pangarap na inaasam
Hinahabi't pinagsasaluhan

Di natin namalayan
Sa panahong nagdaan
Sa biruan man o tampuhan
Tuloy pa rin at walang iwanan

Mula nang tanggapin natin (mula nang tanggapin)
Ang bawat isa (ang bawat isa)
Isang bagong lakas ngayo'y (isang bagong lakas)
Ating nadarama (ating nadarama)
Dahil sa isa't isa wala na ang kaba (dahil sa isa't isa'y walang kaba)
At hamon man ay mag-iba alam kong kasama ka (hindi mag-iiba)

Alam kong kasama ka (alam kong kasama ka)
Alam kong kasama ka (alam kong kasama ka)
Alam kong kasama ka (alam kong kasama ka)
Alam kong kasama ka