
Alpa't Omega
Oh Panginoon
Ang aking pagsamba
Ay buhat sa puso
At kaluluwa
Ang tanging nais ko'y
Luwalhatiin ka
Magpakailan ma'y
Dadakilain ka
Oh Hesus ikaw
Ang alpa't omega
Hindi mawawala
Magunaw man ang langit at lupa
Hanggang doon sa dulo ng walang hanggan
Ikaw ang papupurihan
Pagsamba'y tanging sa 'yo lamang
Panginoon
Ikaw ang Diyos na siyang lumikha sa amin
Ang nagpasimula ng panahon
At siyang magwawakas nito
Ikaw ang alpa't omega
Ang tanging nais ko'y
Luwalhatiin ka
Magpakailan man
Dadakilain ka
Oh Hesus ikaw
Ang alpa't omega
Hindi mawawala
Magunaw man ang langit at lupa
Hanggang doon sa dulo ng walang hanggan
Ikaw ang papupurihan
Pagsamba'y tanging sa 'yo lamang
Oh Hesus ikaw
Ang alpa't omega
Hindi mawawala
Magunaw man ang langit at lupa
Hanggang doon sa dulo ng walang hanggan
Ikaw ang papupurihan
Pagsamba'y tanging sa 'yo lamang