Vehnee Saturno

Ama, Kami Ay Dinggin Mo


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Oh Diyos Amang makapangyarihan
Dinggin mo ang aming dasal
Kami'y humihingi ng awa
Ang mundo ay iyong tulungan

Pagsubok na anong bigat
Ngayo'y aming pasan-pasan
Kami'y bigyan mo ng lakas
Upang ito'y malampasan

Pagkat ang buhay ay laging may pagsubok na darating
Sa ating Diyos na Maykapal
Patuloy tayong manalangin

Ama kami ay dinggin mo
Ang kadilimang bumabalot sana'y pawiin mo
Ikaw lang ang tanging takbuhan
Na bukas ang pintuan
Sana'y hanguin mo
Sa pagsubok ang sangkatauhan

Kung wagas ang iyong pananalig
Agad ka niyang maririnig
Pagkat ang puso niyang busilak
Walang hanggan ang pag-ibig

Kahit maging sino ka pa
Sa kanya tayo'y iisa
Ang bawat nating panalangin
Sa kanya ay mahalaga

Pagkat ang buhay ay laging may pagsubok na darating
Sa ating Diyos na Maykapal
Patuloy tayong manalangin

Ama kami ay dinggin mo
Ang kadilimang bumabalot sana'y bawiin mo
Ikaw lang ang tanging takbuhan
Na bukas ang pintuan
Sana'y hanguin mo
Sa pagsubok ang sangkatauhan

Sama-sama tayong manalangin
Upang agad mapawi na sa mundo ang dilim

Ama kami ay dinggin mo
Ang kadilimang bumabalot sana'y pawiin mo
Ikaw lang ang tanging takbuhan
Na bukas ang pintuan
Sana'y hanguin mo
Sa pagsubok ang sangkatauhan