Obet Rivera

Andito Na Naman Ako


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Andito na naman ako
Sa pasyalan nating paborito
Mag-isa nagsosolo
Naghihintay sa 'yo

Umaasa pa rin ako
Dito'y magkikita tayo
Silayan ang iyong ngiti
Mahagkan ang iyong mga labi

Di ko rin alam bakit pabalik-balik
Kahit nasasaktan ng paulit-ulit
Sa mga alaala na ating iginuhit
Kahit na alam kong di ka na babalik

Andito na naman ako
May kumukurot sa 'king puso
Ikaw ay aking nasaktan
Lumuha napagod lumisan

Di ko rin alam bakit pabalik-balik
Kahit nasasaktan lang ng paulit-ulit
Sa mga alaala na ating iginuhit
Kahit alam kong di ka na babalik

Andito uli ako
Sa dati nating paborito
Paulit-ulit lang
Di alam hanggang kailan