
Ang awit ko, Irog
Giliw magmula nang kita ay unang mamasdan pagsinta'y bumukal
Luha'y pumatak sa buong magdamag
Dahilan sa saklap ng pusong may sugat
Tunay giliw ako'y nabalisa
Magmula nang kita'y makita
At kung laging ako'y nagdurusa
Iyan ay dahil sa iyo sinta ay
Ang nais ko giliw ay lagi kang masilayan
Kung mawawalay ka ang buhay ko'y mamamanglaw
Magmula nang mapagmasdan
Ang dilag mo'y naging tanglaw
Nitong aking pusong alipin mo habang buhay
Kung mawawalay ka ang buhay ko'y mamamanglaw
Magmula nang mapagmasdan
Ang dilag mo'y naging tanglaw
Nitong aking pusong alipin mo habang buhay