
Ang Bakya
Ang ating sariling bakya
Ay sadyang kay gandang masdan
Sa suot na baro't saya
Ito ay bagay na bagay
Tayo ay may mga bakyang
Gamit sa pang-araw-araw
At mayron din namang bakya na sinusuot kung namamasyal
Ang ating magandang bakya
Dito sa atin ay gawa
Di dapat na ikahiya
Kahit na sa ibang bansa
At ito ay sandata rin
Ng maraming mga mutya
Sa pilyong mga binata pamugbog nila ay itong bakya
Si Neneng laging nakabakya
Kung naglalaba doon sa sapa
At suot din niya ang bakya
Kung namimitas ng mga gulay sa tumana
Ang ating sariling bakya
Bukod sa mura'y magara
At ito ay kayang bilhin
Ng kahit na maralita
Dalaga't mga binata
At maging bata't matanda
Tag-araw man o tag-ulan ay nagsusuot ng ating bakya
Si Neneng laging nakabakya
Kung naglalaba doon sa sapa
At suot din niya ang bakya
Kung namimitas ng mga gulay sa tumana
Ang ating sariling bakya
Bukod sa mura'y magara
At ito ay kayang bilhin
Ng kahit na maralita
Dalaga't mga binata
At maging bata't matanda
Tag-araw man o tag-ulan ay nagsusuot ng ating bakya
Tag-araw man o tag-ulan ay nagsusuot
Ng ating bakya