Ruben Tagalog

Ang Bayan Ko't Aking Lahi


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Ang sikat ng araw
Ay lubhang mainit
At ang liwanag ng buwan
Totoong napakarikit
Ang simoy pa ng hangin ay nakaakit
Humanap ng laya at manahimik

Ito ang ating lupa
Ay iba sa lahat
Ang bunga ng kahoy (bunga ng kahoy)
Ay totoong may masarap
Mahalimuyak ang bango (mahalimuyak)
Ng mga bulaklak (bulaklak)
Ganda ng (ganda ng)
Dalaga (dalaga)
Ay nakagagalak

At kung sa pag-ibig
Tayo ay ibang tunay
Totoong pihikan
At di salawahan
Pusong Pilipina
Ay wagas kung magmahal
Minsan lang umibig magpakailan pa man

Larawan ng bayan (larawan ng bayan)
Larawan ng lahi (larawan ng lahi)
Iyan ang aming diwa't (iyan ang aming diwa't)
Budhi