Tarzan At Baby Jane

Ang Mabait Na Bata


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Ang mabait na bata magandang pagmasdan
Sinusunod na lagi utos ng magulang
Ang damit ay malinis at hindi mayabang
Iyan ang batang mabait nararapat na parisan

Sa eskwela kung pumasok
Ay laging maaga
Sa gabi bago matulog
Ay nagdarasal pa

Ang mabait na bata ganyan ang ugali
Maging sa lahat ng tao ay magalang lagi
Pangaral ng magulang ay pinakikinggan
Di naglalayas at hindi rin nang-aaway

Ang damit ay malinis at hindi mayabang
Iyan ang batang mabait nararapat na parisan

Sa eskwela kung pumasok
Ay laging maaga
Sa gabi bago matulog
Ay nagdarasal pa

Ang mabait na bata ganyan ang ugali
Maging sa lahat ng tao ay magalang lagi
Pangaral ng magulang ay pinakikinggan
Di naglalayas at hindi rin nang-aaway
Di sinungaling kaya siya'y ating parisan
Di sinungaling kaya siya'y ating parisan

Canciones más vistas de