
Ang Nobya Kong Selosa
Ako ay mayrong nobya naku saksakan ng ganda
Ugali at kilos ay isang tunay na Pilipina
Wala siyang kapintasan naku kung hindi iisa
Ang seksi at maganda kong nobya ay sobrang selosa
Minsan ay nagyayang manood ng sine itong aking nobya
Aking pinagbigyan pagkat ang nais ko ay maaliw siya
Sa aming pag-upo aking nakatabi magandang dalaga
Sine'y di pa tapos nagyayang umuwi agad nagselos na
Isang araw ng Linggo sa party kami ay nagpunta
Ito'y kaarawan ng ka-eskwela niya isa ring dalaga
Nang aking batiin ang may kaarawan pisngi'y nahagkan pa
Nobya ko'y nagselos at biglang umiyak sa aki'y nagalit siya
Sa kanyang ginawa ako'y napahiya sa may kaarawan
Kaya naisip kong siya ay ihatid sa kanilang bahay
Sa aking paghahatid nanay niya'y natuwa ako'y inakbayan
Akalain niyo bang pati ang nanay niya pinagselosan pa
Iyang pagseselos kapag nasa lugar ay pagmamahal
Ngunit kapag sobra katulad ay lason
Na nakakamatay