Obet Rivera

Ang Pag Ibig Ko Sa'yo


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Sing-init ng haring araw
Sing-ganda ng bukang liwayway
Sing-gaan ng hamog sa umaga ang damdamin ko sa'yo
Higit pa sa ginto at pilak
Higit pa sa diamante't perlas
Walang halagang maitutumbas
Sa pag-ibig ko sa'yo

Sa pagdaloy ng bawat araw
Damdamin ay lalong lumalalim
Tulad ng bituin sa langit
Nagniningning
Nagniningning

Sing-lambing ng haplos ng hangin
Sing-hiwaga ng takip-silim
Sing-ganda ng buwan sa dalampasigan ang pag-ibig ko sa'yo

Sing-init ng haring araw
Sing-ganda ng bukang liwayway
Sing-gaan ng hamog sa umaga ang damdamin ko sa'yo

Sa pagdaloy ng bawat araw
Damdamin ay lalong lumalalim
Tulad ng bituin sa langit nagniningning
Nagniningning

Sing-lambing ng haplos ng hangin
Sing-hiwaga ng takip-silim
Sing-ganda ng buwan sa dalampasigan ang pag-ibig ko sa'yo