
Ang Pasko Ay Sumapit
Ang pasko ay sumapit tayo ay mangagsiawit
Ng magagandang himig dahil sa Diyos ay pag-ibig
Nang si Kristo'y isilang may tatlong haring nagsidalaw
At ang bawat isa ay nasipaghandog ng tanging alay
Bagong taon ay magbagong buhay
Nang lumigaya ang ating bayan
Tayo'y magsikap upang makamtan natin ang
Kasaganahan
Tayo'y mangagsiawit habang ang mundo'y tahimik
Ang araw ay sumapit ng sanggol na dulot ng langit
Tayo ay magmahalan ating sundin ang gintong aral
At magmulat ngayon kahit hindi pasko ay magbigayan