Ruben Tagalog

Ang Puso ko'y iyo


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Ang puso ko'y iyo sinta
Habang buhay ay di mag-iiba
Kung umibig ako ay minsan lang
Ang una at huli sadyang ikaw
Tunay kaya ang sabi mo
Una't huling pag-ibig mo'y sadyang ako
Manalig kang habang ako'y buhay
Pag-ibig ko'y ikaw

Ang tanging hadlang na lamang
Sa ating pag-iibigan
Ay pagtanggi ng magulang
Na dapat nating igalang
Kung tayo may magkalayo
Asahan mong iyo pa rin ang puso ko
Kahit pumanaw man yaring buhay
Pag-ibig ko'y iyo

Tunay kaya ang sabi mo
Una't huling pag-ibig mo'y sadyang ako
Manalig kang habang ako'y buhay
Pag-ibig ko'y ikaw

Ang tanging hadlang na lamang
Sa ating pag-iibigan
Ay pagtanggi ng magulang
Na dapat nating igalang
Kung tayo may magkalayo
Asahan mong iyo pa rin ang puso ko
Kahit pumanaw man yaring buhay
Pag-ibig ko'y iyo