R-A-R Trio

Ang Tangi Kong Pagibig


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Ang tangi kong pagibig
Ay minsan lamang
Ngunit ang iyong akala
Ay hindi tunay

Hindi ka lilimutin
Magpakailan pa man
Habang ako ay narito
At may buhay

Malasin mo't nagtitiis
Ng kalungkutan
Ang buhay kong unti-unti
Nang pumapanaw

Wari ko ba sinta
Ako'y mamamatay
Kun'di ikaw
Ang kapiling habang buhay

Malasin mo't nagtitiis
Ng kalungkutan
Ang buhay kong unti-unti
Nang pumapanaw

Wari ko ba sinta
Ako'y mamamatay
Kun'di ikaw
Ang kapiling habang buhay