
Ano Ang Dahilan
Di ko akalaing ikaw sinta
Sa pagmamahalan ay magbago pa
Ang sumpa mong iniibig kita
Na sa puso mo'y maglaho pagdaka
Ngunit giliw ano ang dahilan
Ng paglimot sa ating sumpaan
Mayron ka na yatang bagong kasintahan
Na makisig at mayaman
Kung ang sanhi ng iyong paglimot
Ay sapagkat maralitang irog
Pagtitiisan ko ang hapdi't kirot
Sugat ng puso ikaw ang may dulot
Ang kahit na ika'y naglilo
Nagagalak pa rin ang puso ko
Sa iyong akala ako'y nalinlang mo
Sawi ka ring katulad ko
Kung ang sanhi ng iyong paglimot
Ay sapagkat maralitang irog
Pagtitiisan ko ang hapdi't kirot
Sugat ng puso ikaw ang may dulot
Ang kahit na ika'y naglilo
Nagagalak pa rin ang puso ko
Sa iyong akala ako'y nalinlang mo
Sawi ka ring katulad ko