Projectknights

Ano Na


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Ano na lagi na lang tayong di pwede
Ano na laging isa na lang ang iyong sinasabi
Lagi na lang tayong hindi natutuloy
Matagal na rin ang huli nating langoy
Baka naman tayo ay pwedeng pagbigyan
Subukan natin kahit minsan

Huwag mo nang isipin pa
Kung ano ang maaari sa 'ting dalawa
Sumabay na lang tayo sa agos ng tadhana
Subukan lang natin tingnan

Ano na di na ba tayo magkakatagpo
Halika na huwag nang sayangin ang pagkakataong ito
Lagi na lang tayong hindi natutuloy
Matagal na rin nang huli nating langoy
Baka naman tayo ay pwedeng pagbigyan
Subukan natin kahit minsan

Huwag mo nang isipin pa
Kung ano ang maaari sa 'ting dalawa
Sumabay na lang tayo sa agos ng tadhana
Subukin lang natin tingnan

Huwag mo nang isipin pa
Kung ano ang maaari sa 'ting dalawa (sa 'ting dalawa)
Sumabay na lang tayo sa agos ng tadhana
Subukan lang natin tingnan
Subukan lang natin kaya