
Asul
Handa ko nang harapin bawat umagang wala ka
Handa ko nang tanggapin kung anong iguhit ng tadhana
At kahit pa nasanay na sa bawat higpit ng iyong yakap
Papalayain ang sarili upang muli ako'y mangarap
Kapag ang ulap ay
Nahawi na
Masisilayan ko na rin
Ang langit
Hindi ko na pakikinggan hapdi ng bulong ng paglisan
Di ko na rin gagawin paglingon pabalik nitong isipan
Sarili ay natuto na paghihilom ay narito na
Ang palayain ang sarili upang muling magmahal
Kapag ang ulap ay
Nahahawi na
Matatanaw kong muli asul na langit
Maghihintay
Kung anong darating
Sa akin
Handa ko nang harapin bawat umagang wala ka
Handa ko nang tanggapin kung anong iguhit ng tadhana
Kapag ang ulap ay
Nahahawi na
Masisilayan ko na rin
Ang langit
Ang ulap ay
Nahawi na
Natatanaw ko na muli asul na langit