
Awit ko'y dinggin
Awit ko'y dinggin bintana mo'y buksan
Pati bituin tila naghihintay
Kailan ba mutya aking matatanaw
Ang pag-asang dulot ng iyong kagandahan
Ang tanging araw nang kita'y makita
Sa aking puso'y naging alaala
Kaya dinggin mo ang awit ko sinta
Dumungaw ka't lunasan yaring madlang dusa
Bakit ba mutya hindi ka magmasid
Laging may kaba ang puso kong sabik
Kaya dinggin mo ang aking pag-awit
Dumungaw ka't lunasan mo na ang madlang dusa