ShamRock

Babaero


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Kailan nga ba tayo unang nagkakilala
Mula noon ako'y naging sa'yo
'Di mo man lamang inisip na mahal kita sinta
Tibok ng puso ko'y iyong iyo

Ngunit bakit tila yata
Biglang naglaho na
Tamis ng iyong pag-ibig
'Di na nadarama
Kung ika'y nag bibiro
Sana'y tapusin na
Wag na lang sabihin ako'y

Bababaero bababaero
Bababaero daw ako
Sinong nagsabi makakating labi
Di-di-di-di naman totoo
Puro imbento sari-saring kwento
Basta't sa'yo lang ako

Wag ka na sanang mag-duda
Wag kang mag-alala
Ang tsismis ng tsismosa iwasan na

Di ko kayang sugatan
Di ko kayang saktan
Hindi ko makakayang ika'y palitan

Ibibigay kong todo mahirapan man ako
Upang mapatunayan ako'y tapat sa'yo
Sana'y paniwalaan ikaw ang mahal ko
'Wag na lang sabihin ako'y

Bababaero bababaero
Bababaero daw ako
Sinong nagsabi makakating labi
Di-di-di-di naman totoo
Puro imbento sari-saring kwento
Basta't sa'yo lang ako

Araw-araw kong napapansin (oh)
Pag-iwas mo sa'kin (oh)
Di malaman ang gagawin

Sabihin mo sa akin ang iyong tunay na hangarin
Wag na wag mo lang isiping may karibal ka sa'kin

Ibibigay kong todo pahirapan man ako
Upang mapatunayan ako'y tapat sa'yo
Sana'y paniwalaan ikaw ang mahal ko
'Wag na lang sabihin
'Wag na wag sabihin
Wag na lang sabihin ako'y

Bababaero bababaero
Bababaero daw ako
Sinong nagsabi makakating labi
Di-di-di-di naman totoo

Bababaero (bababaero)
Bababaero (bababaero)
Bababaero daw ako
Sinong nagsabi makakating labi
Di-di-di-di naman totoo (yeah)
Oh yeah