
Babalik Ka Pa Ba
Nasan ka na kaya
Ako kaya ngayon ang nasa isip mo
Hanggang ngayon pa ba'y gulo ang isip
At di maintindihan ang puso
Di ko alam kung ano pa ang dapat kong isipin
Nagbago na kaya ang iyong damdamin
Di na ba maibabalik pa ang nakaraan
Pag limot na lang ba'ng tanging paraan o
Babalik ka pa ba at aasa pa ba ako
Naghihintay ba sa wala ang puso kong ito
Bibitawan ko na ba ang iniwang pangako
Na babalik kang muli at di na muling lalayo
Masaya ka na kaya
Meron na kayang ibang laman ang puso
Meron na bang iba
Sa kanya na ba umiikot ang mundo mo kaya't nalimot ang pangako
Di pa rin alam ang dahilan ba't ito nangyari
Laman ng puso mo'y di mo masabi
Pinipilit kalimutan ngunit di magawa
Nakabitin sa bawat mong salita kung
Babalik ka pa ba at aasa pa ba ako
Naghihintay ba sa wala ang puso kong ito
Bibitawan ko na ba ang iniwang pangako
Na babalik kang muli at di na muling lalayo
Bibitawan ko na ba ang iniwang pangako
Na babalik kang muli at di na muling lalayo