
Bago
Malagim ang gapos ng nakaraan
Buhay ay ilaan
Upang tahakin ang bagong daan
Paliko-likong landas
Tinuwid na ng Mesias
At ang bagong lupa't langit ay bukas
May isang husto ang isip
Bagong habi ay ginamit
Upang itagpi sa punit ng lumang damit
May isang sapat sa gulang
Bagong alak ng sinalang
Ay isang lumang tapayan ang pinaglagyan
Palitan na ang lumang kalakaran
Mga patakaran
Pamatok ng relihiyong pasan
Palabas na pam-banal
Serimonyas at ritwal
Sa halip ay katarungan at dangal
May isang husto ang isip
Bagong habi ay ginamit
Upang itagpi sa punit ng lumang damit
May isang sapat sa gulang
Bagong alak ng sinalang
Ay isang lumang tapayan ang pinaglagyan
Kung noon ang naghahari ay galit
Ngayon ang kapalit
Pakikitungong di mapagkait
Pagkakaugnay-ugnay
Pagkakapantay-pantay
Bagong araw bagong sisidlang gabay
Bagong buwan bagong tipan bagong buhay