Jake Zyrus

Bagyo


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Naririnig kay lakas ng pintig
Nagbabalik hangi'y sumasaglit
Sumisigaw sana ngayo'y mawaglit
Umuusbong tila bumubulong
May bagong hatid ang pagkakataon
Pagbibigyan o hahayaan na lang

Sabi ng isip huwag nang tanggapin
Sabi ng puso'y muling mahalin

O bagyo bakit hanggang ngayo'y naririto
Bakit 'di magawa ang lumayo
'Di matanto o bagyo
Maari na bang buksan ang puso ko
Wala na nga bang pag-asang matanaw
Bagong araw o bagyo

Sumisilip kahit sa panaginip
Huwag ipagkait konting liwanag mo
Na sasagip turuan muling umibig

Sabi ng isip huwag nang tanggapin
Sabi ng puso'y muling mahalin

O bagyo bakit hanggang ngayo'y naririto
Bakit 'di magawa ang lumayo
'Di matanto o bagyo
Maari na bang buksan ang puso ko
Wala na nga bang pag-asang matanaw
Bagong araw o bagyo

Unti-unting ika'y naglalaho
Upang bigyang daan bagong araw
Natatanaw

O bagyo