Ruben Tagalog

Bakit ka lumuluha? (Why do you cry?)


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

O masamyong bulaklak
Nalipos ng dilag
Tanggapin sa lahat ng oras
Ang halik ng aking paglinga

Ay ano't sa mata'y may luha
Mutya kong kaawa-awa
Mga luhang walang tila
Na tanda ng iyong dalita

Bakit bakit nalulumbay
Sino sino ang dahilan
Giliw sana'y pagtapatan
Sabihin mo't lulunasan

Ay luha luha bakit ganyan
Buhay laging nagdaramdam
Magtapat giliw bahagya man lamang
Ng malunasan ang iyong kalungkutan

Magtapat giliw bahagya man lamang
Ng malunasan ang iyong kalungkutan