
Bakit May Luha Ang Aking Baby
Bakit may luha ang iyong mata
May nakaaway ka ba
Lumapit ka na sa akin baby
Paghehele kita
Kaya may luha ang aking mata
Daddy alam niyo ba
Ikaw at ang aking mahal na mommy
Sa bahay ay laging wala
Mommy at daddy kaya wala sa bahay
Naghahanap-buhay
Upang sayo ay mayrong ibigay
Kendi at laruan
Ang ibang batang aking nakikita
Magulang ay nasa bahay nila
Ngunit ako sa kanila ay iba
Lumaki ako sa aking yaya
Kendi pera at laruan
Sa akin ay lagi niyong binibigay
Iyan ay di ko kailangan
Ang ibig ko ay inyong pagmamahal
Mula ngayon baby
Ay iyong asahan
Pagmamahal at aming panahon
Sayo lang ilalaan
Huwag nang luluha ang aking baby
Hindi na po daddy
Pagmamahal ay ibibigay na ng mommy at daddy
Pagmamahal ay ibibigay na ng mommy at daddy