
Bakit Mo Ako Pinaluluha
Ang lahat ng nangingibig
Kay sarap nang mangusap
Lalo na't isang makata
Ay laging nangangarap
Saksi niya pati ang araw
Ang tala at langit
Makamtan lamang ang oo
Ng kanyang iniibig
Bakit mo ako pinaluluha
At palagi mong sinasabik
Di ba ang sumpa mo sa akin ay tunay ang iyong pag-ibig
Wika mo pa ay ako na lamang
Ang una't huling mamahalin
Ngunit sa wari ko giliw
Ikaw ay nagsisinungaling
Bakit mo ako pinaluluha
At palagi mong sinasabik
Di ba ang sumpa mo sa akin ay tunay ang iyong pag-ibig
Wika mo pa ay ako na lamang
Ang una't huling mamahalin
Ngunit sa wari ko giliw
Ikaw ay nagsisinungaling