
Banderang Puti
Mula nang mauso ang banderang puti
Pati ang matanda natutong maglandi
Kapag nakakita ng mestisong pogi
Ang bruhang matanda ay ngiti ng ngiti
Biglang naging blondie ang buhok na puti
Ngayo'y pulang-pula ang labi at pisngi
Pinahabang kuko ng kanyang daliri
Itim ang manicure nakapandidiri
Siga siga tambutsong mahaba
Kibo kibo monay na matambok
Pero mama biglang napadapa
Natusok ang tilapiang mataba
Feeling teenager pa mahilig sa disco
Kumakalog naman ang mga tuhod mo
Kaya sa paghinga ay hingal kabayo
Ang bagay sa iyo sayaw na pandango
Siga siga tambutsong mahaba
Kibo kibo monay na matambok
Pero mama biglang napadapa
Natusok ang tilapiang mataba
Tigilan ang kilos na parang modelo
Nakakahiya ka sa anak mo't apo
Sa Diyos at sa kanin ka na lang nanang ko
Ikaw ay magdasal tuloy mag-rosaryo
Ang bagay sa iyo sayaw na pandango