Ruben Tagalog

Barong Tagalog


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Kung wariin ko sa ngayon ay muling nagbabalik
Ang barong tagalog na sadyang makisig
Mahaba-habang panahong nawaglit sa ating isip
Na ito'y damit ng bansang kay hirap malupig

Ang barong ito ay tatak Pilipinong talaga
Dapat nating mahalin sa tuwi-tuwina
Sa sariling bayan nati'y alinsangan (bayan nati'y alinsangan)
Makapal na kayoy hindi kailangan (di kailangan)
Ang barong tagalog kahit sinamay lang (kahit sinamay lang)
Ginhawang gamitin sa lahat ng pagdiriwang

Nang maghimagsik itong ating bansa dahil sa paglaya
Ang barong tagalog natin ay dakila
Pagka't siyang ginamit ng bayaning namayapa

Kung wariin ko sa ngayon ay muling nagbabalik
Ang barong tagalog na sadyang makisig
Mahaba-habang panahong nawaglit sa ating isip
Na ito'y damit ng bansang kay hirap malupig

Ang barong ito ay tatak Pilipinong talaga
Dapat nating mahalin sa tuwi-tuwina
Sa sariling bayan nati'y alinsangan (bayan nati'y alinsangan)
Makapal na kayoy hindi kailangan (di kailangan)
Ang barong tagalog kahit sinamay lang (kahit sinamay lang)
Ginhawang gamitin sa lahat ng pagdiriwang

Nang maghimagsik itong ating bansa dahil sa paglaya (sa paglaya)
Ang barong tagalog natin ay dakila
Pagka't siyang ginamit ng bayaning namayapa
Siyang ginamit siyang ginamit ng bayaning namayapa