
Bayan Kong Hagonoy
Mula sa halamang lunas umusbong
Ngalan ng bayang Hagonoy ay sumibol
Biyaya ng langit ang katubigan
Sa tubig din lumusong ang kagitingan
Agos ng dakilang kasaysayan
Sa baybayin ng Bangkusa'y nakipaglaban
Ang ating mga ninuno
Ay palabang angkan
Hagonoy Hagonoy
Bayan nating sinilangan
Hagonoy Hagonoy
Pangalan mo'y ipangangalandakan
Ikaw ang tula
Awit na sandigan
Ang kadakilaan mo'y
Walang hanggan
Latian ilog sasahan palaisdaan
Ay kanlungang matatag ng ating kasarinlan
Oyaying pumapawi sa gitna ng karimlan
Parolang tanglaw ni inang kalikasan
Mga sariwang isda't halamang maririkit
Pumupukaw ng damdamin sa sino mang dumating
Istima sa bisita ay anong sidhi
Tamis ng pagngiting lagi nating sukli
Hagonoy Hagonoy
Bayan nating sinilangan
Hagonoy Hagonoy
Pangalan mo'y ipangangalandakan
Ikaw ang tula
Awit na sandigan
Ang kadakilaan mo'y
Walang hangganan
Hagonoy Hagonoy
Bayan nating sinilangan
Hagonoy Hagonoy
Pangalan mo'y ipangangalandakan
Hagonoy o Hagonoy
Bayan na ating sinilangan