
Bilin
Di ko sana nais sabihin
Laman ng pusong nililihim
Ngunit kailan ko pa dapat sabihin
Kung di ngayon aking giliw
May habilin yaring puso ko
At ang samo ko'y pakinggan mo
Kay tagal ding isinaulo
Ang lahat ng ito'y sayo
Bilin ng puso ko ay malasin
Bilin ang himutok ng pag-ibig
Dinggin panaghoy at idiniaraing
Sana'y pansinin maawa ka sana'y dinggin
Bilin ng puso ko ay dulutan
Giliw mahalin ka habang buhay
Bilin ang pag-ibig na dalisay
Maging aking magpakailan pa man
Bilin ang pag-ibig na dalisay
Maging aking magpakailan pa man