
Bughaw Na Buhangin
Tandang-tanda ko pa
No'ng tayong dalawa'y naglalakad sa may
Sa may tabing dalampasigan malapit sa ating tagpuan
Ngunit 'yon ay no'ng araw pa
Isa ka rin sa mga lumisan sa akin noon
Ngayo'y hinihintay pa rin kita
Sa bughaw na buhangin
Doon ako maghihintay
Abutin man ng takipsilim
Ang langit man ay magdilim
Anong tamis na alaala (ah)
Mga lumipas na ligaya
Ngunit ngayo'y nangungulila
Iniwan mong nagdurusa
Maglaho man ang 'yong pag-ibig
At kung ako'y pagtaksilan
Ikaw pa rin ang iibigin
Mamahalin hanggang libing
Sa bughaw na buhangin
Doon ako maghihintay
Abutin man ng takipsilim
Ang langit ko'y ikaw
Ah
Hm
Maglaho man ang 'yong pag-ibig
At kung ako'y pagtaksilan
Ikaw pa rin ang iibigin (oh)
Mamahalin hanggang libing
Sa bughaw na buhangin
Doon ako maghihintay
Abutin man ng takipsilim
Ang langit ko'y ikaw