
Bugtong
Ika'y galing sakin, ako ang kanlungan
At babalik sakin, ako ang hantungan
Pagkai't inumin, ako ang kandungan
Bawat kulay ng balat, ako ang tagpuan
Ika'y galing sakin, ikaw ay sa akin
Ngunit pinili mo na ako'y maangkin
Mga sugat ay nag-umpisang danasin
Nang ako'y pagpasa pasaha't gahasain
Ba't di mabatid ng iyong karunungan
Kapatid ng kasakiman ang kagutuman
Imbes paghatian, tinuring na puhunan
Dapat tahanan ng lahat ngayon may naubusan
Ika'y galing sakin, ikaw ay sa akin
Ako'y 'di mo pag-aari pagkat ika'y sakin
Ika'y aking pasan, kaya wag maging pasanin
'Pagkat magkakadugtong ang mga buhay natin
Ba't di matutunan ng karamihan
Kung pano alagaan ang ating pinanggalingan
Ba't di matutunan ng karamihan
Kung pano alagaan ang ating pinanggalingan
Ba't di matutunan ng karamihan
Kung pano alagaan ang ating pinanggalingan
Ang ating pinanggalingan
Ika'y galing sakin, 'di kita pag-aari
Bakit mo naisip, ika'y dapat naghahari
At maging batas ang iyong sinasabi
Dahil lang iyong lakas ay hindi mabali
Ika'y galing sakin, 'di mo ko pag-aari
Ngunit laging gusto mo, merong nangyayari
Sa 'tin, tamang laging bakasakali
Kaya sagot na hindi, sayo'y hindi maaari
Bakit iyong buhay tila nakabase
Sa bugso ng iyong nagwawala na ari
Nasan ang yong puso, nasan ang damdamin
Nasan ang yong utak, subukang paganahin
Ginagamit mo lang kapag susukatin
Mga pakinabang na pwedeng maangkin
Ika'y galing sakin kaya unawain
Ako'y hindi sa 'yo at ika'y hindi sa akin
Ba't di matutunan ng karamihan
Kung pa'no alagaan ang ating pinanggalingan
Ba't di matutunan ng karamihan
Kung pa'no alagaan ang ating pinanggalingan
Ba't di matutunan ng karamihan
Kung pa'no alagaan ang ating pinanggalingan
Ba't di matutunan ng karamihan
Kung pa'no alagaan ang ating pinanggalingan
Ang ating pinanggalingan, ba't di matutunan?
Ang ating pinanggalingan, ba't di matutunan?
Ang ating pinanggalingan, ang ating pinanggalingan
Autor(es): David V. Villania