Bukang-Liwayway
Tinubuan ng pakpak ang ating kaluluwa
Sa dami at sa lalim ng buntong hininga
Ngayong lumipas na ang gabi ng paghihintay
Lilipad tayong dalawang magkakapit kamay
Lilipad tayong kasabay
Ng bukang liwayway
Lumaganap man ang kadiliman
Magtago man mga bituin at buwan
Hindi ka iiwanan
Kamay mo'y hahawakan
Hanggang dumungaw ang liwanag sa silangan
Kulay dilaw ngayon pati ang langit
Katulad ng puso nating nananabik
Wala na tong atrasan
Huwag ka nang mag-alinlangan
Hawakan mo ang aking kamay tayo'y papailalang
Tinubuan ng pakpak ang ating kaluluwa
Sa dami at sa lalim ng buntong hininga
Ngayong lumipas na ang gabi ng paghihintay
Lilipad tayong dalawang magkakapit kamay
Lilipad tayong kasabay ng bukang liwayway
Araw gabi kitang patatawanin
Ang luha mo ay aking papahirin
Laging ihahain paborito mong pagkain
At sa magdamag yayakapin kita habang nahihimbing
Kay tagal tagal kong hinintay ito
Isang pangarap na ngayo'y nagkatotoo
Di na magpapaawat
Kahit harangan ng sibat
Halika na mahal ko
Sabay tayong lilipad