Plumartin

Bukas na lang


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Bukas ko na lang gagawin
Ang pinakamagandang tula
Kapag hinog na ang talinghaga
Kapag kaya mo nang lumaya
Sa diwa mo at alaala
Bukas na lang

Bukas na lang kita pag-aalayan ng tula
Kapag kaya ko nang isigaw ang mga letra
Kung mga agam-agam at pangamba
Ay kaya nang ilarawan ng salita
Bukas na lang

Bukas na lang
Oh bukas na lang

Bukas na lang kita igagawa ng isang awit
Kapag kumpleto na ang tono sa aking himig
Kahit pintig ay nakikiusap
Sa gitara kong kayakap
Bukas na lang

Bukas na lang
Oh bukas na lang

Baka bukas naroon ang ligaya
Sa kahapon mong nararamdaman
Bukas na lang kita hahagkan