Himig Heswita

Buklod Ng Pag Ibig


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Buklod ng pag-ibig tayo ay sumamba
Sa pagkakaisa purihin siyang aba
Purihin purihin at ating sambahin
Ang Diyos ng pag-ibig nagmamahal sa 'tin

Buklod ng pag-ibig tayo ay sumamba
Sa pagkakaisa purihin siyang aba
Iwalay sa puso sama ng loob
Alita'y iwaksi't ibaon sa limot

Buklod ng pag-ibig tayo ay sumamba
Sa pagkakaisa purihin siyang aba
Sa hapag ng Diyos ang lahat ay kapatid
Ang Ama ay pag-ibig sa atin iya'y hatid

Buklod ng pag-ibig tayo ay sumamba
Sa pagkakaisa purihin siyang aba
Sa pagmamahalan tayo'y nagkatipon
Halina't umawit magalak sa Poon

Buklod ng pag-ibig tayo ay sumamba
Sa pagkakaisa purihin siyang aba