
Bulalakaw
Bulalakaw hayun biglang kislap
Bigla ring nawala
Ayaw ko nga ng ganyang liwanag
Katulad din ng isang paglinga
Kahit na nga sa langit pa nagbuhat
Pag-ibig na balatkayo'y bumabagsak
Bulalakaw sa pisngi ng langit
Parang luha ka ng bituing nahulog sa mundong tumatangis
Bakit nga ba kung kita'y minamasdan
Ang hiwaga ng iyong kislap ay kay dali-daling pumanaw
Tulad ng pag-ibig kung may alinlangan
Ang kanyang sigla'y nawawala at tuluyan na ngang namamatay
Ngunit ang aking puso ay hindi bulalakaw
Kapag inibig ka'y walang maliw kailan pa man
Ngunit ang aking puso ay hindi bulalakaw
Kapag inibig ka'y walang maliw kailan pa man