Pilipino Karaoke

Bulung- Bulungan [Vocal Guide]


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Huwag kang manalig sa bulong-bulungan
Na ikaw irog ay pinagtaksilan
Pagkat maraming naiinggit lamang
Sa ating labis na pagmamahalan

Kung ninanais mong mapatunayan
Na ang pag-ibig ko'y laging dalisay
Dibdib ko irog buksan mo nang tuluyan
Sa puso ko'y malasin ang pagsintang tunay

Hindi mo lamang
Batid ang tunay kong damdamin
Irog ikaw lamang ang iibigin
Kahit anong dusa ay hahamakin
Kung ikaw ang magdudulot
Ay ligaya sa akin

Dibdib ko irog buksan mo nang tuluyan
Sa puso ko'y malasin ang pagsintang tunay

Hindi mo lamang
Batid ang tunay kong damdamin
Irog ikaw lamang ang iibigin
Kahit anong dusa ay hahamakin
Kung ikaw ang magdudulot
Ay ligaya sa akin

Canciones más vistas de