Luke Granada

Buong Buhay


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Di lamang sa tinapay
Ang tao mabubuhay
Ngunit sa bawat wika
Na mula kay bathala

Tayo ay tinubos nya
Tangan at kinalinga
Isip puso at diwa
Katawan at kaluluwa

Di lang din panalangin
Tanging kakailanganin
Tayo'y magkaagapay
Nang ang luha'y na abay

Sa hirap makaahon
Sa sala makabangon
At magsisipag-alay
Ng mga buong buhay

Di lang din panalangin
Tanging kakailanganin
Tayo'y magkaagapay
Nang ang buhay na abay

Sa hirap makaahon
Sa sala makabangon
At magsisipag-alay
Ng mga buong buhay