
Dakilang Lahi
Dakilang lahi na sa 'yong tangi
Pag-ibig ko Inang Bayan
Isinumpa ko o Pilipino
Gagaling ang sugat ng 'yong nakaraan
Nang pahiran ko luha ng 'yong puso
Ay natayong muli ang karangalan mo
O ang pag-ibig ko sa'yo Inang Bayan
Ikaw ang siyang dalangin ko sa Diyos kailan pa man
Kuminang na ang 'yong bituin at sumikat na'ng araw
Ang kalayaan mo'y sinisigaw
Ang bukas ay tanging sa'yo nakalaan
Kayumanggi ang kulay mo
Dugo't pawis inalay mo
Di ka na maaapi ngayon o kailanman
Pag-ibig ko sa'yo Inang Bayan
Dakilang bayan kapayapaan
Iyo'y muli nang nakamtan
Tulad nu'ng araw bago inagaw
Ang kayamanan mo ang iyong kalayaan
Nang pahiran ko luha ng 'yong puso
Ay natayong muli ang karangalan mo
O ang pag-ibig ko sa'yo Inang Bayan
Ikaw ang siyang dalangin ko sa Diyos kailan pa man
Kuminang na ang 'yong bituin at sumikat na'ng araw
Ang kalayaan mo'y sinisigaw
Ang bukas ay tanging sa'yo nakalaan
Kayumanggi ang kulay mo
Dugo't pawis inalay mo
Di ka na maaapi ngayon o kailanman
Pag-ibig ko sa'yo Inang Bayan
Kahit na ga'no kaliit ang tinig ko
Buong lakas akong magtatanggol sa'yo
Ang bukas ay tanging sa'yo nakalaan
Kayumanggi ang kulay ko
Ang buhay ko'y alay sa'yo
Di ka na maaapi ngayon o kailanman
Pag-ibig ko sa'yo Inang Bayan
Pag-ibig ko sa'yo
Inang Bayan