
Di ka na naawa
Ang gabi'y matahimik
Lahat ay mapanglaw
Kahit na bituing nagniningning ay nangagsipanaw
Iniwanan akong mag-isa at ni walang kaulayaw
Kung hindi ang hanging malamig
Ang nararamdaman
Di ka na naawa
Sa sawi kong buhay
Ang tibok ng puso'y
Ibig nang pumanaw
Damhin mo ang hirap
At minsan kang manungaw
Sa isang ngiti mo lang ako'y mabubuhay
Damhin mo ang hirap
At minsan kang manungaw
Sa isang ngiti mo lang ako'y mabubuhay