
Di ko Kayang Tanggapin
Kahapon lamang
Kay sarap ng ating pagmamahalan
Ang sabi mo pa pag-ibig mo'y walang hanggan
Kahapon lamang tayo ay nagsumpaan
Ang sabi mo pa ako'y di mo iiwan
Ngunit bakit ngayon nagtatapat na mayrong ibang mahal
At sinabi mo pa na mas mahal mo siya kaysa sa akin
Nagdurugo ang puso ko dahil sa sinabi mo
Nais kong magmakaawa sa 'yo
Suyuin ka pilitin ka na ako'y muling mahalin
Di ko kayang tanggapin
Na mawawala ka na sa akin
Napakasakit na marinig
Na ayaw mo na sa akin
Hapdi at kirot
Ang dulot sa 'king damdamin
Di ko na kayang mabuhay sa mundo
Kung mawawala ka sa piling ko
Kahapon lamang
Kay sarap ng ating pagmamahalan
Ang sabi mo pa pag-ibig mo'y walang hanggan
Kahapon lamang tayo ay nagsumpaan
Ang sabi mo pa ako'y di mo iiwan
Nagdurugo ang puso ko dahil sa sinabi mo
Nais kong magmakaawa sa 'yo
Suyuin ka pilitin ka na ako'y muling mahalin
Di ko kayang tanggapin
Na mawawala ka na sa akin
Napakasakit na marinig
Na ayaw mo na sa akin
Hapdi at kirot
Ang dulot sa 'king damdamin
Di na ko kayang mabuhay sa mundo kung mawawala ka
Kung mawawala ka sa piling ko
Di ko kayang tanggapin