Diomedes Maturan

Di mo man lang pinansin


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Di mo man lang pinansin
Ang samo kong pagdaing
At nang ika'y lumayo
Ay naglaho ang aliw

At tunay ngang kay tamis
Ng pagsuyo mo sinta
Paano mo natiis
Iwan akong mag-isa

Ang iyong bahagyang pagtingin
Ligaya na sa akin
Ngunit ang konting paglingap mo'y
Bakit pa nagmaliw

Ang pag-ibig ko sayo
Nasa puso ko pa rin
Bakit ako nasawi
Kung hindi ka nagtaksil

Ang pag-ibig ko sayo
Nasa puso ko pa rin
Bakit ako nasawi
Kung hindi ka nagtaksil