Plumartin

Dinggin


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Araw ay lumipas
Panahon ay nagdaan
Kaytagal at laging inaasam
Na ika'y muling mahagkan
Sa bawat pag-ikot ng oras

Nadarama ang lungkot na dulot ng paglisan
Luha ng inip pumapatak sa mga matang malamlam
Lubos at labis ang pangungulilang nararamdaman
Nitong munting pusong nagmamahal
Na ang tinitibok ay ikaw lamang

Kailan ba kita muling makakapiling
Naririnig tuwina
Tinig mo na kaylambing
Sana'y narito ka ang lagi kong hiling
Bulong sa Maykapal sana'y dinggin

Pagsubok na kayhirap
Haharapin ng matatag
Lumbay ng pag-iisa ng dahil sayo'y nagiging saya
Lahat-lahat ay aking gagawin
Para maramdaman mo itong aking pag-ibig

Oh kailan ba kita
Muling makakapiling
Naririnig tuwina
Tinig mo na kaylambing
Sana'y narito ka ang lagi kong hiling
Bulong sa Maykapal sana'y dinggin

Dinggin
Dinggin
Dinggin

Sana nga'y may isang biglang saglit
Pagmulat sa umaga ika'y aking katabi
Ibubulong ng aking damdamin
At ihahatid ng pag-ihip ng hangin

Nagsusumamo 'tong aking pusong nananabik
Bulong sa Maykapal sana ay dinggin
Ang tangi kong dasal ikaw ay kapiling
Panalangin ko'y yakap mo lang
Sana ay dinggin