Crazy Moon

Dito Ka Nalang

Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Sana ay sinabi mo
Ako'y di mo gusto
At meron nang ibang minamahal
Di na sana pinilit pa
Kung alam ko lang
Na ako'y iyong masasaktan
Ngunit sa kabila ng lahat
Ako'y nandito lang
Nakaabang na mapagbigyan

Pwede bang dito ka na lang (dito ka na lang)
Sa aking tabi pangako ko di kita iiwanan

Sa akin mahimbing abutin man tayo ng dilim
Sa ilalim ng bituin

Ngayon kapiling mo na siya
Hinihiling ko lang
Na sana ay lagi kang masaya
Di na pipilitin pa
At isipin na
Ibigin ka't muli kang maangkin
Ngunit sa kabila ng lahat
Ako'y nandito lang
Nakaabang na mapagbigyan

Pwede bang dito ka na lang (dito ka na lang)
Sa aking tabi pangako ko di kita iiwanan
Pwede bang dito ka na lang (dito ka na lang)
Sa akin mahimbing abutin man tayo ng dilim
Sa ilalim ng bituin

Sadyang mapaglaro ang tadhana
At di niya 'ko sayo makawala
Ngunit sa kabila ng lahat ako'y nandito lang