Elohim Kapag Wala May Himala
Kay init ng panahon ngunit parang ika'y nanlalamig
Sa tindi ng iyong iniisip (ah)
Mukha mo'y balisa
Wala kang magawa
Sabay mong natutuyo ang lupa (ah)
Ganyan mabuhay sa mundo
Laging di mo alam ang dulo
Malayo ang tingin wala naman tinatanaw
Malalim ang iniisip wala naman maisip
Tulog ka ba o gising maging ito'y hindi mo pansin
Pagkat alam mong ika'y walang wala
Ganyan mabuhay sa mundo
Laging di mo alam ang dulo (ah)
Kapag wala may himala (kapag wala may himala)
Sa Diyos ka maniwala
Manalig ka lamang (ah)
Kapag wala may himala (kapag wala may himala)
Pagkat sa kanya nagmumula
Ang wala sa kanya'y may himala (ah)
Ngayon nalaman mo na ikaw pala may Diyos na di pabaya
Kaya niyang gumawa mula sa wala (ah)
Pangako niya sayo
Tutuparin huwag mabalisa
Siyang makapangyarihang sadya (ah)
Napakasarap mabuhay dito sa mundo
Kasama si Hesus (ah)
Kapag wala may himala (kapag wala may himala)
Sa Diyos ka maniwala
Manalig ka lamang (ah)
Kapag wala may himala (kapag wala may himala)
Pagkat sa kanya nagmumula
Ang wala sa kanya'y may himala (ah)
Mula sa wala
May himala
Mula sa wala may himala