
Epidemya
Gumagapang sa hangin
Takot sa damdamin
Ibinubulong ng bibig
Nakatakip na himig
Napipigil ang hininga
Sa banta at pangamba
Nalalagot ang pag-asa
Saan tayo pupunta
Pwede pa bang huminga
Pwede pa bang magsalita
Sa mundong pinagkakait sariwang hangin
Libre at ligtas
Pwede pa bang huminga
Sino ang dapat sisihin
O kailangan na bang may managot
Nasasaktan ang sangkatauhan
Sa bagsik ng kalikasan
Mundo'y nasasakal na
Maghasik tayo ng pag-asa
Iligtas ang bawat hininga
Pawiin ang pagkabalisa
Pwede pa bang huminga
Pwede pa bang magsalita
Ating mundo'y lumuluha
Patahanin ang bawat isa
Ang takot ay iwaksi
Ikaw at ako ang lunas
Pananalangin
Sa mundong pinagkakait sariwang hangin
Libre at ligtas
Pwede pa bang huminga
Pwede pa bang magsalita
Mabubuhay ang bawat isa
Isigaw sa langit
Ikaw at ako
Pwede pa