
Esnatser Ng Puso
Ako'y isang tubong iskwater
Mula bata pa'y nagtitindang ice water
Nang ako'y naging binata na labing lima na ang aking syota
Di naman ako pogi nakuha lang sa diskarte
Ngunit ako'y binansagang isang esnatser
Baka pa raw ako'y mabitay sa electric chair
Dinudukot ko'y di naman pera di ko trip ang bag at pitaka
Mga asawang nasa abroad mag-ingat lang sila
Esnatser ng puso
Ako raw ay isang esnatser ng puso
Ang pangalan ko'y Valentino pinaglihi kay kupido
Di naman ako gwapo sa diskarte matalino
Esnatser ng puso
Ako raw ay isang esnatser ng puso
Ang pangalan ko'y Valentino pinaglihi kay kupido
Di naman ako gwapo sa diskarte matalino
Aaminin kong ako'y isang esnatser
Sa maraming mga puso'y naka blotter
Ngayon ako'y byudo na labing lima pa rin ang aking syota
Di naman ako pogi nakuha lang sa diskarte
Kahit hindi gwapo lahat sila'y nagkagusto