
Ganyan Daw Ang Pag-Ibig
Lagi daw umaawit
Kung minsan nama'y galit
Nagugulo ang isip
Ganyan daw ang pag-ibig
Ay saksi raw ang langit
Sampu ng buwang marikit
Naku nagpupumilit
Ganyan daw ang pag-ibig
Lambing ng pagmamahal
Kainggit-inggit pakinggan
Pag may lumimot sa sumpaan
Puso'y luhaang tunay
At kung hindi pasakit
Ay tuwa ng iyong dibdib
Hindi ko nga malirip
Ganyan daw ang pag-ibig
Lambing ng pagmamahal
Kainggit-inggit pakinggan
Pag may lumimot sa sumpaan
Puso'y luhaang tunay
At kung hindi pasakit
Ay tuwa ng iyong dibdib
Hindi ko nga malirip
Ganyan daw ang pag-ibig